Second dose ng pagbabakuna isasagawa sa bayan ng Magsaysay

Isasagawa ngayong araw ng Lunes ang vaccine rollout sa bayan ng Magsaysay, kung saan nakatakdang bigyan ng second dose ng Sinovac ang mga medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities sa Lucbuan Community Covered Court.

Tinatayang nasa 100 katao ang nakatakdang bakunahan na nasa priority list base sa guidelines na inilabas ng National Inter-Agency Task Force on COVID-19 (NIATF). Sila ay nabigyan ng unang dose ng bakuna noong Abril 26-29.

Nagpasalamat naman si Mayor Manuel Abrea sa lahat ng tumulong upang maging maayos ang pagsasagawa ng aktibidad kabilang ang health Personnel at staff ng Magsaysay Rural Health Unit, Cuyo District Hospital, Department of Health-MIMAROPA, mga lupong tagapamayapa, Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

Pinaalalahanan din ni Abrea ang lahat ng babakunahan na sundin ang health protocols sa pagpunta sa lugar kagaya ng pagsuot ng face mask at face shield.

“Huwag din kalilimutang dalhin ang inyong vaccination card,” paalaala ni Abrea .

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry