SAN VICENTE, Palawan — Nagdaos ng ” Orientation on Public Health Standards for the Business Sector under the New Normal” ang bayan na ito noong July 17 na inorganisa ng Municipal Tourism Office (MTO).

Ayon kay Lucilyn Panagsagan, tourism officer ng San Vicente, ang seminar ay ginawa upang mabigyang halaga ang seguridad sa negosyo ng food sector.

“Importantante talaga doon ang maging safe ang ating mga kababayan pati na din yong mga nag o-offer ng mga services para naman yong ating mga customers ay hindi maiilang na kumain o pumunta sa mga establishment dahil feeling nila sila ay safe,” ayon kay Panagsagan.

Layunin ng orientation na ito ang mabigyan ng tamang impormasyon ang negosyong kabilang sa food services sa nasabing bayan. Malaman at maintindihan ang kahalagahan ng pagsunod sa safety and health standard (pagsuot ng kumpletong PPE) ngayong nasa new normal.

 

About Post Author

Previous articleSlight decrease in enrollment seen this school year
Next articleEDITORIAL: Taking Stock
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.