SAN VICENTE, Palawan — Umabot sa 70 pamilya ang nabiyayaan ng food packs sa ginawang Barangayanihan Ayuda ng Municipal Police Station (MPS) sa bayang ito at ng Damayan sa Kapwa mobile community pantry ng 33rd Marine Company (33rd MC) ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) sa Purok Pagkakaisa at Little Baguio sa Barangay New Agutaya, araw ng Sabado, Mayo 1.

Pinili ng MPS at ng 33rd MC na gawin na lamang ang mobile community pantry upang maiwasan ang pagkukumpulan ng tao at hindi na lumabas pa sa kanilang mga tahanan para na rin mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa kanila, naging inspirasyon nila sa bayanihan at barter system ang Maginhawa Community Pantry na sa pamamagitan ng maliit at simpleng pagtutulungan ay marami ang napapasaya at nairaraos ang pang-araw-araw  na pangangailangan sa panahong ang lahat ay limitado ang galaw.

Hiniling din ng grupo sa mga nais makiisa at tumulong sa mobile community pantry na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa kanilang mga Facebook page para maging sustainable Ito at magtuloy tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Personal na sumama at nag-abot ng mga food packs sina P/Maj. Romerico Remo, hepe ng San Vicente MPS, at 2Lt. Karl Jens Helmuth OIC ng 33rd MC.

“Pinagsamang activity namin ito ng Municipal Police Station, sa mga nais mag donate or magbigay ayon sa kakayanan, dine- discourage namin na sila pa magdadala o maghakot papunta sa amin. Nagco- coordinate nalang kami sa mga sponsors para kami na mismo pi-pick up. Sa mga nais humabol ng kanilang kayang itulong or barter mag iwan lamang ng mensahe sa aming mga Facebook account para kami na lamang ang kukuha sa inyo,” pahayag ni Helmuth.

About Post Author

Previous articleGranular lockdown ipatutupad sa ilang bahagi ng Brooke’s Point
Next articleMabagal na internet, inireklamo ng mga residente ng Sofronio Española
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.