Checkpoint sa Barangay Kemdeng kung saan lahat ng papasok dito ay kinukunan ng body temperature upang makasiguro na hindi na kumalat pa ang COVID-19. | Larawan mula kay Ike Nobleza at Vhangz Llavan

SAN VICENTE, Palawan — Muling pinaigting ng Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) ang pagbabantay sa mga checkpoints ng mga barangay ng New Agutaya at Kemdeng sa bayan na ito simula nang may naitalang dalawang positibo sa COVID-19 noong araw ng Lunes, Abril 12.

Sa muling paghigpit sa pagpapatupad ng health protocols, pinayuhan ng MIATF ang mga mamamayan na kung hindi naman mahalaga ang gagawin ay huwag na munang lumabas at manatili na lang sa loob ng kanilang mga bahay.

Muli ring ipinaalaala ng MIATF ang health protocols para sa mga lalabas na may importante o kailangang gawin, kagaya ng pagsuot ng face mask at face shield, ang pag-maintain ng social distancing, at paghuhugas ng kamay. Lilimitahan din ang sakay ng motorsiklo sa dalawa (driver at isang angkas).

“Naghigpit ulit tayo sa pagbabantay para maka iwas tayo mahawaan ng COVID-19. Sinisikap natin na huwag makapasok sa ating barangay at sana ay makisama din ang lahat at sumunod sa ipinatutupad na health protocols,” pahayag ni punong barangay Norlita Zabalo ng New Agutaya

Ang mga pupunta at aalis sa barangay ay kailangan ding mag-fill up ng form kung saan ilalagay ang pangalan, saan ang punta, at ano ang pakay, para sa mabilis na contact tracing.

Previous article2 arestado sa Coron dahil sa pagtutulak ng shabu
Next articleSK Enor ng El Nido, nanawagan sa mga kabataan na magpabakuna kontra COVID
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.