27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Romualdez handang harapin ang kaso kaugnay sa flood control

Handa si dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na harapin ang anumang reklamong isasampa laban sa kanya kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects.

Ito ang tiniyak ng kanyang tagapagsalita na si lawyer Elaine Atienza matapos lumutang ang ulat na nagsimula na ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman sa mga reklamong plunder, bribery, graft at paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) laban kay Romualdez at iba pang personalidad.

“Like what we’ve already said before, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez is ready to face any complaint against him,” pahayag ni Atienza.

Layunin ng preliminary investigation na alamin kung may sapat na batayan para kasuhan sa Sandiganbayan si Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto laban sa baha.

- Advertisement -

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nag-ugat ang reklamo sa fact-finding investigation ng Ombudsman sa umano’y pagkakasangkot ni Romualdez sa kontrobersiya.

Sa kabila ng mga alegasyon, nanindigan ang kampo ng dating Speaker na ebidensya ang kanilang haharapin sa proseso.

“Naniniwala kami na kung magkakaroon ng patas na laban at patas na paghuhusga batay sa ebidensya, mapapatunayan ni Rep. Romualdez ang kanyang panig,” ani Atienza.

Nanawagan din ang kampo ni Romualdez sa publiko na hintayin ang magiging takbo ng imbestigasyon at huwag agad humatol habang hindi pa natatapos ang legal na proseso.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img