SAN VICENTE, Palawan — Pinabulaanan ng pamunuan ng Rural Health Unit (RHU) ng bayan na ito ang kumalat nitong araw ng Biyernes, Abril 9, na may kaso ng COVID-19 dito.

Sa magkasunod na Facebook post ng San Vicente RHU at ni Municipal Health Officer Dr. Mercy Grace Pablico, kanilang nilinaw at mariing sinabi na hindi totoo ito at sa kasalukuyan ay walang kaso ng COVID-19 ang naitatala sa munisipyo.

Kasabay nang paglilinaw ay nagbigay din ng babala ang RHU tungkol sa pagkakalat ng maling impormasyon.

ā€œThe Local Government Unit of San Vicente would like to clarify that as of today, there are no confirmed COVID-19 positive cases in the municipality. However, to ensure the health and safety of our constituents, the Municipal Health Office have taken steps to test and isolate close contacts of known COVID-19 positive cases from Puerto Princesa City. Furthermore, the public is advised to continue the observance of our standard health protocols (wearing of facemask, hand washing, physical distancing, etc.). And PLS DO NOT SPREAD FAKE NEWS to prevent unnecessary fear and panic to the public. Thank you,ā€ saad ng RHU sa Facebook.

Ayon naman kay Pablico, mayroon lamang silang na-identify na naging close contact ng ilang nag-positibo sa COVID-19 sa lungsod at kaagad naman silang nagsagawa ng precautionary measures.

Kabilang sa ginawang aksyon ng RHU ay ang agarang pag-isolate ng identified close contacts at antigen testing sa mga ito. Nagsagawa rin ng contact tracing activity at disinfection sa mga ilang lugar, mga tanggapan, at maging mga sasakyan.

Dagdag  ni Pablico, nakipag-ugnayan na rin sila sa kinauukulan para sa RT-PCR testing ng mga identified close contacts na may sintomas.

Nang makapanayam ng Palawan News si Pablico ay wala na itong iba pang binanggit maliban sa kung ano ang kanyang inilagay sa kanyang Facebook.

ā€œNandoon na lahat ng sasabihin ko. Hindi pa naman sila confirmed case at hindi pa sila na RT-PCR test dahil wala pang available, rapid test pa lang ang ginawa. Naka isolate sila agad same day ng ma-confirm natin na galing sila ng Puerto at ma-rapid test. Tuloy-tuloy naman ang ginagawang contact tracing. Hintayin natin ang RT-PCR test result at ipagdasal nalang natin na huwag naman magkaroon (positive),ā€ pahayag ni Pablico.

Previous articleOlive ridley turtle hatchlings released at Long Beach, San Vicente
Next articleDalawa, arestado sa iligal na tupada sa EspaƱola
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.