Sugatan ang isang lalaki matapos na tagain ito ng sariling tiyuhin na nakaalitan nito sa inuman sa Sityo San Lorenzo, Barangay Poblacion, sa bayan ng Taytay, Huwebes (Marso 25) ng gabi.

Kinilala ang 27 anyos na biktima na si John Paul Santos Paduga, habang ang suspek naman ay ang 50 anyos nitong tiyuhin na si Perceverando Cautibar Paduga. Ang dalawa ay parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon sa acting chief of police na si P/Lt. Reggie Eslava ng Taytay Municipal Police Station (MPS), may matagal ng alitan ang dalawa na naungkat ng parehong lasing na. Una din umanong naghamon si Paduga na inakalang iniwasan ng tiyuhin nito na nauna ng umalis ng inuman.

“Umalis na ang suspek. Akala nila umiwas lang sa gulo, ‘yun, inabangan pala siya ng uncle n’ya, saka siya pinagtataga,” pahayag ni Eslava.

Agad namang nakatakbo ang biktima patungo sa bahay ng tiyahin nito para humingi ng tulong. Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima na minabuti ng hindi magsampa ng kaso laban sa tiyuhin.

Previous articleLalaking nakitang patay sa Bataraza, natukoy na
Next articleCamella Manors now up for grabs