No Images found.

Residente ng Brgy. San Jose, arestado matapos ireklamo ng panggagahasa

Isang lalaki ang nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa matapos ireklamo ng isang 19 taong gulang na estudyante sa Barangay San Jose noong Pebrero 28.

Ang suspek ay kinilalang si Emil Calipayan, 38 anyos, at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Cpt. Ray Aron Elona, hepe ng Puerto Princesa City Police Station 1 (PS 1), habang nagsasagawa ng barangay visibility and visitation ang kanyang mga tauhan dakong alas onse ng gabi noong nasabing araw ay nakatanggap sila ng ulat ng isang rape incident.

Ang biktima ay nagmula sa Brooke’s Point at nakitira sa bahay ni Calipayan dahil kaibigan nito ang isa niyang anak.

“Naaresto naman agad ang suspek. Sa initial investigation is iyong victim ay nakikitira  sa bahay nila. Same date alas kuwatro ng hapon nangyari ang panghahalay sa kanya,” pahayag ni Elona.

Si Calipayan ay nasa kustodiya na ngayon ng PPCPO matapos isailalim sa inquest proceedings at nakatakda na ring sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9353 o Anti-Rape Act.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry