Isang lalaki ang nadakip ng mga awtoridad dahil sa pagtutulak ng droga sa Jacana housing, Barangay Bancao-Bancao, Lunes ng hapon.

Kinilala ni Richard Ligad, Anti-Crime Task Force Chief ang suspek na si Richard Daganta Pablico, 42, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa impormasyong ibinigay ni Ligad, nahuli ang nasabing suspek matapos mabilhan ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P1,000.

Ang operasyon ay isinagawa ng Police Station 1 at City Anti-Crime Task Force.

- Advertisement -
Previous articleNo endorsement for anyone attending MIMAROPA regional games – City DepEd
Next articlePala’wan IP mandatory rep takes official oath as board member
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.