27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Rep. Alvarez namagitan sa DOLE para maresolba ang work stoppage sa PALECO

Namagitan na si Palawan 2nd District Rep. Jose Chaves Alvarez sa Department of Labor and Employment at National Electrification Administration upang maresolba ang work stoppage order (WSO) na nakaapekto sa pagkukumpuni at pagpapanumbalik ng kuryente ng Palawan Electric Cooperative (PALECO).

Ito ang ibinahagi ni Provincial Board Member Ryan Maminta sa isang Facebook post ngayong Sabado, August 8.

Ayon kay Maminta, direktang kinausap ni Alvarez si Labor Secretary Francis “Tol” Tolentino at NEA Administrator Antonio Mariano “Nani” Almeda upang maayos ang sitwasyon at maaksyunan agad ang problema.

“Maraming-maraming salamat po Congressman Jose Chaves Alvarez sa mabilis na interbensyon sa usapin ng DOLE at Palawan Electric Cooperative,” ani Maminta.

- Advertisement -

Pinasalamatan din niya ang kongresista, na siyang chairman ng House Committee on Energy, sa pakikialam nito sa problemang nakaapekto sa serbisyo ng kuryente sa Palawan.

Hinimok naman ni Maminta ang pamunuan at mga tauhan ng PALECO na simulan na ang mga gawaing sakop ng mandato ng kooperatiba.

“Sa Palawan Electric Cooperative, General Manager Rez Contrivida at mga tauhan, dapat nang simulan ang lahat ng gawain may kaugnayan sa inyong mandato. Resume all energy distribution-related activities at nasa likod ninyo kami, lalo na ang chairman ng Committee on Energy, Cong. JCA,” pahayag niya.

Gayunman, walang kalakip na opisyal na dokumento sa post ni Maminta na nagsasabing pormal nang binawi o inalis ng DOLE ang work stoppage order. Wala ring inilabas na detalye kung ano ang napagkasunduan nina Alvarez, Tolentino, at Almeda.

Naglabas ang DOLE-MIMAROPA ng WSO laban sa PALECO noong August 6 kasunod ng imbestigasyon sa pagkakuryente ng isang lineman sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City.

Sakop ng kautusan ang lahat ng tinukoy na “critical electrical work activities and operations” ng kooperatiba. Ang ibig sabihin, pansamantalang hindi maaaring gawin ng mga personnel ang ilang trabahong may kinalaman sa mga linya at pasilidad ng kuryente habang umiiral ang kautusan.

Dahil dito, sinabi ng PALECO kagabi, August 7, na hindi nito maisasagawa ang mga kinakailangang operasyon para tugunan ang mga brownout at ibalik ang kuryente sa mga lugar na sakop ng prangkisa nito.

Ayon sa kooperatiba, nakikipag-ugnayan na ang pamunuan nito sa DOLE upang maresolba ang usapin at ma-lift ang kautusan. Sinabi rin nitong agad nitong ipagpapatuloy ang normal na operasyon at power restoration kapag pinayagan na ito ng ahensya.

Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na pahayag ng DOLE at PALECO kung tuluyan nang inalis ang Work Stoppage Order at kung maaari nang bumalik sa normal na trabaho ang mga lineman at iba pang field personnel ng kooperatiba.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Celeste Anna Formoso
Celeste Anna Formosohttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and the managing editor of Palawan News, a regional publication based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. Since joining the news organization in January 2019, she has overseen its editorial operations, contributing to its growth and reputation for in-depth local reporting. Her journalism spans a wide array of topics, including politics, environmental issues, defense, and public health.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img