QUEZON, Palawan — Nagwagi ng halagang P10,000 ang Quezon National High School (QNHS) matapos tanghaling kampeon ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang 2021 MIMAROPA Techno Skills Showcase.

Ang naturang premyo ay iginawad ng  DepEd Palawan Schools Division Office kalakip ang plake ng pagkilala sa QNHS noong Marso 10.

Ngayong taon ay dalawang division lamang mula sa rehiyon ang sumali ay nagpamalas ng galing sa taunang pagimpalak ng kagawaran dahil na rin sa maikling oras para sa paghahanda bunsod ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Nakatunggali ng QNHS bilang representante ng DepEd-Palawan ang DepEd-Occidental Mindoro Division.

Sa panayam ng Palawan News kay Mary Grace Rayoso, guro at coach ng QNHS nitong Biyernes, Marso 19, inihayag niya na ang ginawang physical hub ng mga produkto mula sa iba’t-ibang paaralan sa buong lalawigam ang kanilang itinampok sa patimpalak.

Kabilang dito ang mga tourism promotional videos para sa mga tourist destinations sa lalawigan at ginawa nilang on-line para mailahok sa virtual competition.

“Ang mga partisipante natin ay lahat ng TVL course natin sa senior high ng buong Palawan. May mga produktong gawa ng mga estudyante natin sa Food Processing at itinampok sa ginawa nating hub dito sa QNHS grounds. Mayroon ding promotional videos ng tourism sa Palawan. Itinampok natin lahat yon,” pahayag ni Rayoso.

“Simula January tayo nag-prepare niyan at nag-coordinate tayo sa mga DepEd districts natin sa north and south, sa mga Senior School courses natin at nagbigay din sila mga outputs nila na siyang naging showcase sa hub. At  ang nag-judge dito ay ang Regional DepEd at last February 13 in-announce na nakuha natin ang championship,” dagdag niya.

Ayon pa kay Rayoso, malaking bagay ito sa mga edtudyanteng partisipante ng taunang Techno Skills Showcase ng DepEd upang malinang pa ang kanilang mga kakayahan sa kanilang mga specialization na pinili sa Senior High School.

About Post Author

Previous articleCOMELEC defends Bataraza result from allegations of irregularities
Next articleNew seaport hubs seen to boost Palawan trade with BIMP-EAGA countries
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.