Sep 25, 2020

Purok leaders ng Rizal, gagawing mediators

Ang panukala ay iniakda ni Kgd. Arvin Fuentes na naniniwalang dapat makatulong ang mga lider ng mga purok sa pag-resolba ng mga simpleng problema para hindi na makarating ito sa lebel ng barangay na marami na umanong responsibilidad.

File photo

 

Isang panukala na nagbibigay kapangyarihan para sa mga purok lider na ayusin ang mga maliliit na problema sa mga magkakapitbahay at magkapamilya ang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng Rizal para kilalanin ang kanilang awtoridad sa kanilang lugar.

Ang panukala ay iniakda ni Kgd. Arvin Fuentes na naniniwalang dapat makatulong ang mga lider ng mga purok sa pag-resolba ng mga simpleng problema para hindi na makarating ito sa lebel ng barangay na marami na umanong responsibilidad.

Ang panukala ay inaprobahan noong September 14 at nakatakda na ring pirmahan ni Mayor Otol Odi, ayon kay Fuentes.

“Bibigyan sila ng karapatan na ayusin yong mga maliliit na bagay sa knilang lebel, bago pa idulog sa barangay para kilalanin sila sa komunidad,” sabi ni Fuentes sa Palawan News.

Ayon kay Fuentes, ninanais ng kanilang konseho na makilala ang mga purok leaders ng kanilang mga nasasakupan dahil gusto din nilang mabigyan ng pagkilala ang mga posisyon nila sa maliit na komunidad at ang pagbibigay din sa kanila ng responsibilidad bilang lider.

Isa sa mga responsibildad na ibinigay sa mga purok lider ay simpleng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga residente ng kanilang lugar, pag-isyu ng purok clearance sa nasasakupan bago makakuha ng barangay clearance.

“Halimbawa kukuha ng barangay clearance sa mga barangay dito sa Rizal, bago sila bibigyan ng barangay clearance kailangan muna nilang kumuha ng purok clearance na siyang ibibigay sa kanila mg mga purok president,” dagdag ni Fuentes.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry