Patay ang isang pulis matapos na mawalan ng kontrol sa minamaneho nitong motorsiklo at maaksidente sa Purok Cattleya, Barangay Salvacion, Roxas, bandang alas nueve kagabi, June 9.

Ang nasawi ay kinilalang si Pat. Micjohn Paguia Reno, 32, miyembro ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PPMFC) na naka-destino sa bayan ng Sofronio Española.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya sa Roxas, pauwi ng Brgy. Caramay si Reno sakay ng kanyang itim na motorsiklo na Honda Beat 110 mula Brgy. Magara, nang maaksidente ito.

Habang nasa biyahe, nawalan ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Salvacion kaya bumangga sa concrete barrier.

- Advertisement -

Sa lakas ng pagbangga ay nagtamo si Reno ng matinding pinsala sa ulo na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Narekober sa lugar ng aksidente ang kanyang issued firearm at iba pang mahahalagang gamit.

Si Reno ay umuwi sa Roxas kung saan siya residente para dalawin ang pamilya at ang anak na diumano ay may sakit.

Previous articlePCA eyes P17-million priority projects for Palawan to be funded by coco levy
Next articleCloudy skies, scattered rains over Palawan due to ITCZ
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.