Sinampahan na ng kasong grave coercion, illegal discharge of firearms, at violation of domicile ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Police Corporal Renato Bendaña.
Isa si Bendaña sa mga sangkot na pulis sa shooting incident noong Biyernes Santo, April 3, na ikinasawi ng dalawang pulis na sina PSSg. Ryan Cris Cabaña and PSSg. Jayson Fernandez, at isang personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) na si CO1 Jerson Talon.
Matatandaang kinumpirma ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa na kabilang si Bendaña sa mga nagpositibo sa paraffin test batay sa isinagawang forensic examination.
READ RELATED STORIES
Police launch manhunt after Good Friday shooting in Puerto Princesa
The PNP owes Puerto Princesa more than task groups and press releases
The tropa mentality
Command responsibility raised as 8 cops charged in Irawan case
Good Friday shooting raises questions on police conduct in Puerto Princesa
Samantala, nananatili sa restrictive custody ang iba pang sangkot na pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Ang mga ito ay sina PSSg. Jonah Balangan, PSSg. Michael Juan, at PSSg. Joseph Ian Carpio.
Umabot din ang imbestigasyon sa mga nakatataas na opisyal sa ilalim ng doktrina ng command responsibility. Si Lt. Raven Payang ay nahaharap sa kasong grave neglect of duty, habang si dating Police Station 2 chief Maj. Ray Aron Elona ay kinasuhan ng less neglect of duty at neglect of duty.
Nailibing na ang mga nasawing police at BuCor personnel. Si Cabaña ay inihatid sa huling hantungan noong April 11 sa bayan ng Narra, si Fernandez ay noong April 10 sa Memorial Park, at si Talon ay noong April 18.



