Puerto Princesa City Police Office (File photo)

Walang organized crime groups kaya nananatiling payapa at tahimik sa Puerto Princesa, ayon kay P/Col. Sergio Vivar, ang director ng City Police Office.

Ayon kay Vivar, walang drug syndicates sa lungsod kaya napapanatili ng City Police Office ang peace and order situation dito kaya ginagawa nila ang lahat para hindi masayang ang mapayapang environment.

“We are very much in control of the situation, at we are doing our best to maintain the peaceful environment,” pahayag niya.

Samantala, siyam na buwan bago ang local and national elections, maging sila ay naghahanda na rin para dito.

Umaasa si Vivar na magiging mapayapa ang election at walang anumang krimen na magaganap na may kaugnayan dito sa lungsod. 

“We are always ready and in control during election time, and always prepared to respond to any situation,” paliwanag niya.

Kung pagbabasehan ang kasalukuyang sitwasyon ng lungsod, umaasa ang City Police Office na magpapatuloy ito at magkaroon ng mapayapang halalan sa susunod na taon.

About Post Author

Previous articleEasterlies affecting the country
Next articleHouse committee commends 3 Fil-Ams for contributing to safe landing of Perseverance rover on Mars
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.