Oct 2, 2020

PSU-Narra entrance exam, isasagawa sa Women’s Center

Ito ay matapos aprubahan ni Mayor Gerandy Danao ang hiling ng unibersidad na magtalaga ng lugar para dito sa kadahilanang ang PSU Narra campus ay kasalukuyang nasa pangangasiwa ng Municipal IATF bilang isang quarantine facility para sa mga dumarating na stranded na mamamayan galing sa ibang lugar.

 

 

NARRA, Palawan — Gagamitin ng Palawan State University (PSU) campus sa bayan na ito ang Narra Women’s Center na matatagpuan sa Barangay Poblacion upang pagdausan ng entrance exam para sa incoming freshmen na isasagawa sa huling linggo ng Hunyo.

Ito ay matapos aprubahan ni Mayor Gerandy Danao ang hiling ng unibersidad na magtalaga ng lugar para dito sa kadahilanang ang PSU Narra campus ay kasalukuyang nasa pangangasiwa ng Municipal IATF bilang isang quarantine facility para sa mga dumarating na stranded na mamamayan galing sa ibang lugar.

Ayon kay PSU director Dante Arinez, isasagawa ang entrance exam sa June 29 hanggang sa July 4 para sa incoming freshmen ng PSU CCRD.

“Maayos naman ang gusali na ibinigay sa amin ni mayor at doon na rin isasagawa ng PSU Narra at ang LET review namin para sa mga nagtapos sa kursong Education ay doon na rin isasagawa”,dagdag ni Arinez.

Inaasahan ni Arinez na marami ang kukuha ng entrance exam ngunit bilang pagsunod sa minimum public health standard magkakaroon sila ng load capacity para sa mga incoming freshmen na kukuha ng exam.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry