Mga larawan mula sa LGU Magsaysay

Dalawang bagong solar-powered deep well water system project ang nakatakdang itayo sa mga barangay ng Balaguen at Danawan sa bayan ng Magsaysay matapos mapagkasunduan ng mga residente at pamahalaang lokal sa isinagawang public consultation noong araw ng Huwebes, Hunyo 10.

Paliwanag ni Mayor Manuel Abrea, ang nasabing proyekto ay kabilang sa proyektong salintubig 2019 ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagkakahalaga ng P15 million para sa apat na barangay sa nasabing bayan. Nauna na rito ang water desalination system ng Bgy. Alcoba at Cocoro.

“Nagpapasalamat tayo sa DILG dahil matagal nang pangarap ng aming mga kababayan ang ligtas at malinis na tubig. Babalik ang Technical Working Group sa mga barangays para sa isang pinal na mga usapin,” pahayag ni Abrea

“Nasimulan na ito (Bgy. Alcoba at Cocoro) noong December 2020 at on-going pa up to this day ang phase 1. Para sa phase 2 at completion ng apat na project po ay popondohan ng provl govt ng P60 million,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan ay under bidding ito sa provincial government. Bilang island municipality, sinabi niya na sila ay walang maayos na source ng tubig kaya malaking tulong ito sa mga nabanggit na barangay bilang identified sila as waterless sa community based mapping system CBMS,” paliwanag pa niya.

Naniniwala ang alkalde na malaki ang kapakinabangan ng bayan sa nasabing proyekto lalo’t higit sa usaping pangkalusugan at sanitasyon at isa ito sa kanyang mga adhikain sa kanyang programang iabante Magsaysay

“Malaking bagay din ito sa kalusugan sanitasyon at ekonomiya ng munisipyo. Ito ay may kaugnayan sa ating executive agenda ng iabante program. Matagal nang pinapangarap ng mga mamayan ng Magsaysay ang ganitong proyekto, at sa tulong ng DILG at Provincial Goverment ay unti unting nagkakaroon ng katuparan,” aniya.

“Malaki ang aking pasasalamat sa PGP, kay Gov. Alvarez sa pamamagitan ng water infa sa pagbigay nila ng technical support mula sa disenyo ng proyekto hanggang implementasyon nito at ngayon  sa pagpondo ng P60 million para mapatapos ang apat na projects,” dagdag niya.

Previous articleBusuanga reacts to COA audit findings
Next articleIsang pasyente ng COVID-19 nasawi sa Roxas
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.