Electric fan ang sinasabing pinag-umpisahan ng sunog na tumupok sa isang bahay sa Zone 3, Purok Sampaloc Barangay Irawan, Lunes ng umaga.
Ayon kay Chief Inspector Nilo Caabay, Jr., city fire marshal, wala nang natira sa tahanan na pagmamay-ari ni Crisanto at Roselyn Barrios matapos matupok ng apoy.
“Wala na, nakatayo pa yong bahay pero yong bubong niya bumagsak na pero 100% ng damage ‘yong loob kumbaga sa lakas ng init at bilis ng pag-kalat ng apoy wala na siyang pakikinabangan sa loob. Ang ina-avoid natin ay ‘yong makahawa pa ng ibang bahay kasi may mga kalapit na mga bahay yon na lang ang inaano natin na maghupa ang takot ng mga kapitbahay,” ayon kay Caabay.
“Wala na siyang mapapakinabangan ang naiwan na lang ay dingding ultimo poste sa bahay niya wala, ubos talaga sila. Maraming bahay kaya lang ang problema pag malaki na yong apoy yong lakas ng init at yong kapal ng usok hindi na kayang itolerate,” dagdag niya.
Dagdag ni Caabay, “electrical” ang maaring dahilan ng pagkasunog ng bahay.
Aniya, ito ay base din sa salaysay ng may-ari ng bahay.
“Initial na assessment galing na rin sa kwento ng may-ari, sa electrical, yong kanyang electric fan daw doon nagsimula ang sunog, yong kanyang bahay kasi may mga nakasabit-sabit na mga substandard na wirings sa tingin ko puro extension. Electrical lang an gating nakikita base na rin yan sa may-ari,” saad ni Caabay.
Aniya ni Caanay mabilis na kumalat ang apoy dahil semi-concrete ang bahay at may mga kagamitan na madaling masunog doon.
Naiulat sa kanila ng 911 ang insidente 7:50 ng umaga at kanilang narespondehan ito 8:01 a.m. Bandang 8:06 a.m. naman ng madeklara ang “fire under control” at 8:50 a.m. nang tuluyang mapatay ang apoy.
Umabot sa P250,000 ang halaga ng nasunog na mga kagamitan.
Walang naiulat na nasaktan sa pangyayari.