(EDITOR'S NOTE: Ang mukha ng suspek sa larawan na ito ay blurred na nang ibahagi ng Palawan Police Provincial Office sa mga mamamahayag.)

Apat na indibidwal ang dinakip ng awtoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan ng Palawan ngayong weekend na may kinalaman sa mga kasong rape at sexual assault, grave threat, paglabang sa fisheries code, at child abuse.

Unang dinakip ng mga operatiba ng Narra Municipal Police Station (MPS) si Leo Asuncion Estigoy, 23 taong gulang, para sa kasong rape at sexual assault sa Manga Street, Barangay Poblacion, Narra, noong araw ng Biyernes, Setyembre 10.

Si Estigoy na itinuturing na No. 5 most wanted sa lalawigan ay dinakip sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Bayani Usman ng Regional Trial Court Branch 50 (Family Court) na may petsang August 9, 2021, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P200,000 para sa kasong sexual assault. Walang nakalaan na piyansa para sa kaso nitong rape.

Kasunod na dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Roxas MPS at Puerto Princesa City Police Station 1 (PS-1) si Francis Aurelio Adion, 25 taong gulang, sa Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Roxas, sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Ambrosio de Luna ng RTC Branch 51 para sa kasong grave threats.

(EDITOR’S NOTE: Ang mukha ng suspek sa larawan na ito ay blurred na nang ibahagi ng Palawan Police Provincial Office sa mga mamamahayag.)

Araw naman ng Sabado, Setyembre 11 nang arestuhin ng awtoridad si Arman Fuentes Asada, alyas Arman Fuentes Andrada, 39 taong gulang, sa Brgy. Suba sa bayan ng Cuyo para sa kasong paglabag sa Section 88 ng RA 8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998.

Si Asada ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Ambrosio de Luna ng RTC Branch 51 at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P20,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa bayan ng San Vicente, dinakip ng operatiba ng San Vicente MPS ang negosyanteng si Oleg Vitskoshiy, 46 taong gulang, isang Russian national, sa kasong paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act 7610, o ang anti-violence against women and children law, araw ng Linggo, Setyembre 12.

Si Vitskoshiy ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Jocelyn S. Dilig, ng RTC Branch 47 na may petsang January 09, 2014 at may piyansa na nagkakahalaga ng P80,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Previous articleLinggo ng Kabataan ipinagdiwang ng SK sa Magsaysay
Next articlePhilippine Red Cross defends use of donated funds from government agencies
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.