Anim na indibidwal ang magkakasunod na inaresto sa Palawan ng mga municipal police station at iba pang law enforcement units dahil sa mga kinasasangkutang kaso na paglabag sa anti-illegal gambling law, murder, at statutory rape mula Mayo 24 hanggang Mayo 26.

Ang mga inaresto ay sina Nestor Daprosa Moises, 66, ng Barangay Aramaywan, Narra; Marvin Viola Tolentino, 53, ng Brgy. Poblacion 2, Coron; Cesar Ybañez Pradilla, 53, ng Brgy. Pamalatan, Dumaran; Rafael Francisco Carpio, 54, ng Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point; Melvin Palarca Badua, 39, ng Brgy. Princess Urduja, Narra; at Bernadette Vergara Morata, 53; ng Brgy. Maligaya, El Nido.

Ayon sa mga spot report mula sa Police Provincial Office (PPO) ng Palawan, unang nadakip ng Narra Municipal Police Station (MPS) katuwang ang ibang law enforcement units noong Mayo 24 si Moises, isang magsasaka, dahil ito ay akusado sa kasong murder.

Ang warrant ay ibinaba upang siya ay maaaresto ni Judge Paz Soledad B. Rodriguez-Cayetano ng Branch 49, Fourth Judicial Region na may petsang Abril 25, 2022.

- Advertisement -

Walang inilaang halaga ng piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang nililitis ang kasong kinasasangkutan na docketed sa ilalim ng CC No. 42273.

Noong Mayo 25 ay naaresto naman si Tolentino sa Coron Public Market ng joint operation ng Coron MPS at iba pang line law enforcement agencies dahil sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kinalaman sa pagdadag ng mas mabigat na parusa sa mga nagsasagawa ng ilegal na pagsusugal.

Ang warrant na may petsa na Enero 17, 2022, ay inilabas para siya arestuhin ni Judge Arnel P. Cesar ng Branch 163, Fourth Judicial Region sa Coron. Mayroong inilaan na halagang P30,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si Pradilla, isang mangingisda, ay inaresto noong Mayo 25 sa Sitio Buntuan, Brgy. Mauringen sa bayan ng Araceli dahil sa palabag sa Section 92 ng Philippine Fisheries Code of 1998.

Ang warrant ay ibinaba para siya mapanagot sa kaso ni Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng Branch 95 ng Regional Trial Court (RTC) sa Palawan na may petsang Nobyembre 24, 2017. Maaari siyang mag-piyansa ng P20,000 para sa pansamantalang paglaya.

Noong Mayo 25 din ay naaresto si Carpio, isang mangingisda, sa Brgy. Iraray, Sofronio Española dahil naman sa kasong statutory rape at rape by sexual assault. Ang warrant na inilabas para siya ay hulihin ay ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng Branch 165, 4th Judicial Region, noong Mayo 16, 2022.

Halagang P200,000 ang pinayagan ng korte na kanyang bayaran bilang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang magsasaka naman na si Badua ay inaresto noong Mayo 26 sa Brgy. Princess Urduja, Narra, dahil sa kaso rin na rape, sa pamamagitan ng warrant na ibinaba ni Judge Bayani Usman ng Branch 50, Fourth Judicial Region, ng RTC na may petsang Abril 8, 2022.

Walang piyansa na inilaan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si Morata naman na umano ay empleyado ng Peryahan ng Bayan ay inaresto din noong Mayo 26 sa Brgy. Maligaya, El Nido, dahil sa illegal numbers game ng MPS ng naturang bayan.

Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang ilang gamit na may kinalaman sa ilegal na pagsusugal.

Previous articleTourist group raises complaint against hotel’s policies
Next articlePagsasanay sa pamanang lokal at pagpapanatili nito, idaraos sa darating na Hunyo
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.