Wala pa mang ibinababang pinal na utos ang DILG kaugnay sa pagbabawal ng mga aktibidad na nagdudulot ng mga ingay na makadistorbo sa online class ng mga mag aaral kagaya ng videoke, nakipag coordinate na ang Puerto Princesa City PNP at maging ang provincial PNP sa mga local government units, particular na sa mga barangay.
Ayon kay P/Maj. Mhardie Azarez, inatasan na sila na makipag-ugnayan sa mga LGU upang magkaroon ng ordinansa o resolution na magbabawal sa mga ingay na makakaistobo sa pagaaral ng mga kabataan habang nasa kanilang mga bahay.
“On the part of the PNP, nagkaroon na ng directive ang higher office patungkol doon sa intensification of police visibility to make home and community conducive for online classes,” ayon kay Azarez.
Ilan sa mga babantayan ng mga awtoridad, katuwang ang mga tanod sa mga bara- baranggay ay ang mga videoke at mga mass gathering.
Ongoing pa ang coordination ng PNP sa DILG, habang patuloy ang kanilang isinasagawang pagpapatrolya sa mga matataong lugar.
“Habang inaantay namin ang official written memorandum circular ng DILG National ay patuloy lang ang pagpapatrolya sa mga lugar na maraming tao o mga populated area kung saan maraming mga mag aaral na sumasailalim sa online class,” dagdag ni Azares.