No Images found.

PNP, nakahanda para sa seguridad ng Semana Santa

Puerto Princesa City Police Office.

Bagama’t walang masyadong aktibidad ang isasagawa kung saan may partisipasyon ang publiko ay handa ang pulisya sa lungsod at sa mga munisipyo ng Palawan para bantayan ang kanilang seguridad.

Sa lungsod ng Puerto Princesa ay nag-deploy ang City Police Office ng tropa nito para sa Semana Santa kaya’t sila ay maaasahan sa mga simbahan, beach, resorts, at iba pang places of covergence, ayon sa taga-pagsalita nito na si P/Maj. Mhardie Azares.

“Ang ating security measures ay pinaigting natin by deploying personnel sa mga churches and mga places of convergence, maging sa mga beaches and resort, ay pababantayan din natin para sa mga kababayan nating tutungo doon,” ayon kay Azares.

Ang Mt. Calvary na pinupuntahan ng mga deboto ay walang magiging aktibidad, ayon pa kay Azares, pero nag-deploy pa rin sila ng mga pulis sa lugar para mabantayan ang sino man na tutungo.

Aniya, isa sa oobserbahan din nila ng mahigpit ay ang pagtugon sa social distancing at iba pang health measures.

“Baka possible na puntahan pa rin ng tao at dumami. Kahit papaano ay may naka-standby tayong tao doon ng 24 oras,” sabi niya.

Malaki ang pagkakaiba ng preparation ng pulisya ngayon kumpara sa mga nakalipas na taon dahil sa pandemya. Dahil limitado lamang ang galaw ng mga tao ngayon, inaasahan ng city police na hindi sila magiging masyadong abala.

“Asahan na dahil sa pandemya ay magkakaroon lang ng misa sa Linggo (April 4) pero inaasahan pa din natin na dadagsain ng mga deboto ang simbahan,” pahayag pa niya.

Ang Palawan Police Provincial Office (PPO) naman ay lalong maghihigpit sa pagbabantay sa mga borders ng lalawigan hindi lamang ngayong Semana Santa kundi dahil summer vacation na rin.

Ang kanilang gagawing paghihigpit ay upang masiguro na walang makakapasok ng Palawan mula sa ibang probinsya.

Ilan sa mga borders na babantayan ay ang Balabac para sa posibleng pumasok sa Palawan ng mga galing ng Mindanao area.

Ang bayan ng  Coron na nagiging entry point ng mga manggagaling ng Mindoro, Manila, at Cavite, at ang bayan ng Cuyo ay babantayan din para sa mga manggaling ng Manila via Iloilo.

Malaking challenge daw sa mga pulis ang kasalukuyang sitwasyon dahil sa hindi nakikita ang kalaban, kaya mahigpit nilang ipatutupad ang minimum health protocols.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry