Nahuli ang pitong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, sa Coron Public Market dahil sa iligal na pagsusugal.

Pitong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, ang hinuli ng awtoridad sa Coron Public Market sa Barangay Poblacion 2 dahil sa iligal na pagsusugal noong Linggo ng hapon, Hulyo 18.

Kinilala ang mga suspek na sila Dennis Ormido Vinluan, 51; Marvin Tolentino Viola, 53; Rodelio Socito Bulanon, 27; Nicolas Dejito Paslon, 43, at Rolly Boy Colorado Fernandez, 22.

Sa report ng Coron Municipal Police Station (MPS), agad nilang tinungo ang lugar na nabanggit para biripikahin ang sumbong ng ilang residente. Pagdating sa palengke ay naabutan ang mga ito na naglalaro ng baraha.

“May nag-report na member ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Group and Force Multiplier sa women sector na mayroon ngang illegal gambling sa palengke na naglalaro ng bet game,” pahayag ni P/Capt. Ervin Plando, hepe ng Coron MPS.

Nakuha sa lugar ang isang set ng baraha, lamesa, at perang nagkakahalaga ng P784.

Dinala na sa DSWD ang menor de edad habang ang lima naman ay nasa himpilan ng Coron MPS na sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling ang kung saan may nakalaang piyansa na aabot sa P10,000 hanggang P36,000.

Previous articleMOGA
Next articleRCPO MIMAROPA conducts virtual final inspection of 2 infra subprojects
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.