Isang bagong silang na sanggol inilagay sa tupperware na nakabalot sa plastic at iniwan sa banyo ng San Jose Terminal. || Larawan mula sa Police Station 1

 

Isang patay na babaeng sanggol na nakalagay isa isang plastic container ang natagpuan sa banyo ng Puerto Princesa Land Transportation Terminal (PPLTT) sa Barangay San Jose, noong Miyerkules nang umaga.

Ang naturang sanggol ay nadiskubre ng mga awtoridad na pulis at nang Anti-Crime Task Force matapos itong ireport ng isang janitor sa lugar na napansin ang masangsang nitong amoy.

“Naireport na may nangangamoy na suspicious box sa CR mga bandang 11:30, nareceive ko ýong tawag kay Joseph Carpio. Pinapuntahan namin sa Anti-Crime pinareport sa PNP at inantay namin ang PNP at noong binuksan nila ay fetus nga,” ani Ligad.

Napag alaman sa ospital kung saan unang dinala ang fetus na ito ay isang babae na kapapanganak pa lamang.

 

Previous articleLalaking guro, patay sa shuttle van accident sa Brooke’s Point
Next articleCreation of Shari’a court in Palawan pushed
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.