27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Pansamantalang nasa asynchronous learning ang ilang PNS students dahil sa building inspection

Ang mga estudyanteng gumagamit ng ABM Building (Tower C) at HUMSS Building (Tower D) sa Palawan National School (PNS) ay pansamantalang nasa asynchronous learning simula pa kahapon hanggang ngayong araw, July 3, habang isinasagawa ang preventive engineering inspection sa dalawang gusali.

Sa advisory na inilabas ng paaralan nitong Thursday, sinabi ng PNS na isasagawa ang inspeksyon katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Puerto Princesa City Engineering Office, at DepEd Engineering Section bilang bahagi ng mga hakbang upang mas matiyak ang kaligtasan sa loob ng campus.

Layunin ng inspeksyon na suriin ang structural condition ng mga gusali at tiyaking ligtas pa rin itong gamitin ng mga estudyante, guro, at iba pang school personnel. Kasunod ito ng naunang isinagawang inspeksyon sa STEM Building ng paaralan.

Habang nasa asynchronous learning, magbibigay ang mga guro ng learning activities at mga instruksyon sa pamamagitan ng opisyal na communication platforms ng bawat klase upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

- Advertisement -

Ayon kay School Principal IV Jabel Anthony Nuñala, bahagi lamang ito ng pag-iingat ng paaralan.

“Nais naming bigyang-diin na ang hakbang na ito ay isang preventive at precautionary safety measure lamang. Wala pong dapat ikabahala ang ating mga magulang at mag-aaral, sapagkat ang inspeksyong isinasagawa ay bahagi ng responsableng pamamahala ng paaralan upang matiyak na ang lahat ng ating mga gusali ay ligtas gamitin,” ayon sa kanya.

Ipinaliwanag din ng PNS na ang pansamantalang pagbabago sa learning modality ay “should not be interpreted as an indication of immediate danger,” at ang anumang susunod na hakbang ay ibabatay sa opisyal na rekomendasyon ng mga engineering authorities, kasama ang koordinasyon sa DepEd Division Office.

Hinikayat din ng paaralan ang mga magulang, estudyante, at publiko na umasa lamang sa mga opisyal na advisory at iwasang magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng hindi kinakailangang pangamba o kalituhan.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img