Larawan mula kay Lian Escosura.

Isang pamilya ang himalang nakaligtas matapos na mabagsakan nang nabuwal na puno ng mangga ang kanilang bahay sa Barangay Inagawan, araw ng Lunes, Setyembre 13.

Ayon kay Lian Escosura, nagpapahinga siya sa loob ng bahay kasama ang kanyang kapatid at pamangkin nang bumagsak ang kanilang punong mangga.

“A mango tree fell off, unfortunately tumama sa bahay namin, nasa loob kami lahat except mama. Nakahiga ako with my brother and a four year old baby girl nang bigla ko na lang narinig na parang may bumagsak tapos nakita kong nagbabagsakan yung yero at sanga kay papa, sigaw na lang ako ng sigaw habang yakap yakap ko si Jaja. Salamat sa Diyos hindi sa pwesto namin banda yung sentro ng pagbagsak,” pahayag ni Escosura na nagbahagi din ng mga larawan ng pangyayari.

Larawan mula kay Lian Escosura.

Bagama’t nabigla sa bilis ng pangyayari, nagpapasalamat si Escosura na nakaligtas ang lahat ng miyembro ng kaniyang pamilya.

- Advertisement -

Dagdag niya, maayos naman ang panahon kahapon at posibleng dahil matanda na ang puno kaya ito nabuwal.

“Okay naman yung panahon kahapon, hindi rin mahangin. Sa katandaan na rin siguro ng puno kaya nabuwal,” aniya.

Previous articleGO HIGHER WITH THE EU: Join this year’s Virtual European Higher Education Fair 2021
Next articleBuilding a community to save young lives
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.