Magkakaroon ng magkahiwalay na power interruption ang ilang bahagi ng Puerto Princesa sa April 22 at April 29, ayon sa abiso ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) kaugnay ng isinasagawang line upgrading activities.
Sa April 22, Wednesday, mawawalan ng kuryente mula 8:30 a.m. hanggang 1 p.m. ang mga bahagi ng Brgy. San Miguel, kabilang ang WESCOM Road, Purok San Flower, Fundador Road, San Juan Road, at Airport area.
Isasagawa rito ang tinawag na WESCOM sectionalizing bilang bahagi ng maintenance work.
Samantala, sa April 29, Wednesday, nakatakda naman ang power interruption mula 8:30 a.m. hanggang 4:30 p.m. sa ilang lugar sa Brgy. San Manuel, kabilang ang NAPOCOR Road, Purok Gumamela, at Moreno Ville. Ang gagawing aktibidad ay solid sectionalizing.
Ayon sa PALECO, ang dalawang operasyon ay bahagi ng “massive line clearing” at upgrading ng kanilang linya upang mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lungsod.
Pinayuhan ang mga apektadong residente at establisimyento na maghanda para sa pansamantalang pagkawala ng kuryente sa nasabing mga petsa at oras.



