SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shield ng isang rehistradong botante sa bayan na ito sa araw ng plebisito sa Marso 13, ayon kay municipal election officer Alpha Sobrepeña sa kanilang mga isinagawang “Barangay Pulong-Pulong” sa siyam na barangay sa noong unang linggo ng Marso.

Ayon kay Sobrepeña noong Huwebes (Marso 11), sa unang guidelines na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) ay ni-require sa mga botanteng boboto ang magsuot ng face shield bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19 ngunit ito ay inamyendahan na kaya hindi na kailangan ang face shield.

Ngunit mas importante at ire-require ang pagsusuot ng face mask, ayon sa kanya. Ang mga gustong mag-suot naman ng face shield ay hindi naman pagbabawalan.

“In-amend na po ito at face mask na lang ang kailangang suotin ng botante talaga. Siyempre inaalala din ng COMELEC na baka mababawasan ang boboto lalo na sa mga katutubo dahil baka hindi nila kayang bumili ng face shield, pero sa iba nating kababayan na gusto mag-face shield wala naman pong problema kung gusto nila,” sabi ni Sobrepeña.

Ayon pa kay Sobrepeña, maliban sa face mask na mahigpit nilang babantayan sa lahat ng botante ay kailangang mag-fill up pa rin ang lahat ng kanilang mga health declaration COVID-19 form upang malaman ng COMELEC ang kanilang mga kalagayang pangkalusugan at sumailalim sa thermal scanning para sa kanilang body temperature.

- Advertisement -

May kabuoang 12 isolation polling places ang inihanda ng COMELEC sa bayan na ito sa voting centers sa mga botanteng makikitaan ng 37.4 pataas na temperatura at dito na sila pagbobotohin ng COMELEC na ia-assist ng dalawang medical staff na kanilang itinalaga sa kada isolation polling place.

Ang bayan ng Sofronio Española ay may kabuuang 19,000 na botante na inaasahang boboto sa plebisito sa loob ng 114 na total precinct na bumubuo sa 12 voting centers na itinalaga ng COMELEC sa loob ng siyam na barangay.

Previous articleLPA forms inside Philippine territory
Next articlePNP chief Sinas tests positive for Covid-19
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.