Mula sa kaliwa (nakaupo) sina Julhadu Titte, panglima ng Brgy. Maasin; Atty. Jansen Jontilla, provincial director ng NCIP; Alex Arabis, officer-in-charge resident mine manager ng Ipilan Nickel Corporation; at Marvin Arlegui, MEPEO ng Ipilan Nickel Corporation. Kasama nila sa larawan ang mga panglima at chieftains, kasama si Renila Dulay

Pirmado na ng mga panglima at tribal leaders ng Palaw’an indigenous cultural communities (ICCs) sa Brooke’s Point ang kasunduan nang pagtanggap at pagpapahintulot sa operasyon ng pagmimina ng Ipilan Nickel Corporation (INC) noong September 1, matapos ang pagsasagawa ng free and prior informed consent (FPIC) at pagpupulong para sa negosasyon kung ano ang dapat maging laman nito.

Ayon sa pahayag ng INC, ang 99 na mga tribal leaders at panglima ay mula sa anim na ICCs, o katutubong pamayanan, mula sa mga barangay ng Aribungos Barong-Barong, Ipilan, Mambalot, Maasin, at Calasaguen sa Brooke’s Point.

Nangyari ang pagpirma sa memorandum of agreement (MOA) sa Brgy. Ipilan, na dinaluhan ng mga representante at opisyales ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at INC sa pangunguna ni officer-in-charge resident mine manager Alex Arabis.

Ang paglagda, na pinamunuan ng NCIP, ay nangyari sa presensya ni Atty. John Mark Caralipio, na siya ring nag notaryo ng dokumento.

Ang mga panglima at tribal leaders na dumalo sa MOA signing sa Brooke’s Point.

Sa pahayag ni chieftain Renila Dulay ng Brgy. Aribungos, ay sinabi niya na ang paglalagda nila sa kasunduan ay inaasahan nila na makakapagpagunlad sa kanilang pamayanan at makapagpapagaan sa hirap na dinaranas nila sa kanilang buhay bilang mga katutubong Palaw’an.

“Ang MOA signing na ito ay isang matagumpay na gawain para masolusyunan ang hirap na nararanasan namin na mga katutubo. Ito ay paraan para matugunan ang pangangailangan namin sa health, edukasyon, at livelihood. Magandang kabuhayan ang pamana ng responsableng pagmimina na dala ng Ipilan Nickel Corporation,” ayon kay Dulay.

Sa pahayag pa ni Dulay, sinabi nito na maging sila ay sisiguruhin na susundin ng minahan ang nilalaman ng kasunduan, lalo na sa aspeto ng responsableng pagmimina.

Bago isinagawa ang signing ay nagkaroon muna ng MOA negotiation, kung saan inilahad ng mga katutubo ang mga proyekto na nais nilang maipatupad sa ilalim ng Community Royalty Management and Development Program (CRMDP) at mga tulong sa ilalim naman ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng INC.

Sinundan ito ng MOA validation kung saan sinuri ng NCIP at iprinisinta ng mga panglima sa kanilang nasasakupan ang mga napagkasunduan.

Binigyang diin naman ni Arabis ang kahalagahan ng nasabing kasunduan.

“Napakahalaga ng FPIC MOA, dahil ito ay isang patunay ng pagpahintulot, pagpayag at pangtanggap ng mga Katutubong Komunidad sa proyektong pagmimina. Dito rin nakasaad ang iba’t ibang benepisyo at proyekto na matatatanggap ng mga IP communities lalo na sa aspeto ng kalusugan, edukasyon, infrastructure, pangkabuhayan, at paglinang ng mga kultutarang katutubo,” pahayag ni Arabis.

“Ayon din sa batas, ang mga katutubo ay makakatanggap ng 1% royalty sa kabuuang kita ng mina,” dagdag pa niya.

Sa pamamagitan ng video message ay ipinaabot naman ni Atty. Dante Bravo, presidente ng INC, ang taos pusong pasasalamat ng pamunuan sa napakalaking suportang ipinakita ng mga katutubo sa INC.

“Sa kabila ng mga pangamba at agam-agam ng ilan ay mas pinili ninyong maniwala sa Responsableng Pagmimina na dala ng Ipilan Nickel Corporation . Asahan ninyo na patuloy naming tutuparin ang mandato ng gobyerno upang mapangalagaan ang inyong lugtang kagurang-gurangan at ang ating kalikasan…Wala kayong aalalahanin na ang inyong sakahan ay maapektuhan ng aming operasyon. Siguradong-sigurado po kami na ang aming operasyon ay mas makakabuti kaysa makasasama,” pahayag ni Atty. Bravo

Ang FPIC MOA ang nagbubuklod sa Katutubong Pamayanan at sa Ipilan Nickel Corporation upang maisulong ng mga katutubo ang mga hangarin nilang mga programa at proyekto para sa kaunlaran ng kanilang komunidad.


Ang mga #PalaParaan, gumagamit ng Suki Card sa pag-claim ng International Remittance para sa libreng Kabayan Protektodo Insurance na aabot ng PHP 20,000! Papahuli ka pa ba? 💪💸

Kaya mga ka-Suki, pumunta na sa pinakamalapit na branch sa’yo at mag-avail ng Palawan Lifetime Suki Card mo! #SulitKapagSukiSaPalawan 💚

Previous articleCity government to ink pact with SM for government services
Next articleUP, National Museum archeologists find relics of ‘Last Ice Age’ in Southern Palawan cave