Oct 1, 2020

Pag-lockdown sa Sofronio Española, walang katotohanan – Mayor Acoy

Ayon kay Mayor Acoy, walang katotohanan ang mga kumakalat sa social media dahil naka-depende ang magiging desisyon sa Palawan Provincial Inter-agency Task Force (IATF).

 

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Pinabulaanan ni mayor Marsito Acoy na magpapatupad ng lockdown sa bayan bunga ng pagkakaroon ng limang positibong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Acoy, walang katotohanan ang mga kumakalat sa social media dahil naka-depende ang magiging desisyon sa Palawan Provincial Inter-agency Task Force (IATF).

“Hindi tayo basta magla-lockdown sa bayan natin. Hihintayin natin ang mga rekomendasyon at yon ang ipapatupad natin dito kung ano man,” pahayag niya.

Sabi ni Acoy, ang modified general community quarantine (MGCQ) pa rin ang ipapatupad sa Sofronio Española at ang mga health safety standards na itinakda sa ilalim nito para maiwasan ang COVID-19, tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, at paggamit ng alcohol sa kamay.

Idinagdag niya na walang dapat ikabahala dahil naka-isolate naman ang mga COVID-19 patients — tatlo ang nananatili sa quarantine facility, samantalang dalawa ang nasa Southern Palawan Provincial Hospital (SPPH) sa Brooke’s Point na naka-isolate.

“Pakiusap ko na sana huwag tayo magpo-post ng kung anu-ano sa Facebook na mga taga-Sofronio Española. Naiintindihan natin ang pangamba nila pero nais nating sabihin naka-isolate ang mga patient natin at nandiyan naman ang Municipal IATF natin ang doktor natin,” sabi niya.

camella-palawan-news

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry