Bukod sa isang sachet ng shabu, nakumpiskahan din ng aabot sa P20,000 hanggang P25,000 na halaga ng ilegal na droga ang isang suspek na pusher na inaresto Miyerkules ng hapon, sa Barangay San Manuel sa Puerto Princesa City.

Ang inaresto ay kinilala ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) na si Cervin Ancieta Arrogancia, 42, residente ng Brgy. Bagong Pag-asa.

Ayon kay CPDEU chief P/Lt. Noel Manalo, nahuli si Arrogancia bandang 4:45 p.m. sa national road sa San Manuel sa buy-bust operation na kanilang ikinasa.

Sabi ni Manalo, dati na ring nakulong dahil sa droga ang suspek, pero paglaya nito ay bumalik din sa dating gawi.

“Ilang linggo na rin namin itong sinusubaybayan. Dati na kasi itong nakulong sa drugs tapos kalalabas lang nitong April. Nakakuha kami ng asset na mapagkakatiwalaan para makabili sa kanya,” pahayag ni Manalo.

 

About Post Author

Previous articleTS ‘Rolly” maintains strength as it moves towards PAR
Next articleExpect more crocodile sightings in Balabac, expert says
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.