Naka-schedule nang pasinayaan sa October 20 ang bagong medicare hospital sa bayan ng Quezon sa southern Palawan.
Ayon kay Engr. Saylito Purisima sa inilabas na impormasyon ng Provincial Information Office (PIO) noong October 7, pasisinayaan na ang 50-bed capacity Quezon Medicare Hospital na magkatuwang na proyekto ng LGU ng Quezon, provincial government, at Department of Health (DOH).
“Ang total cost nito is about P115 million ang building, excluding hospital equipment na umabot sa P20 Million. Ito ay isang state-of-the-art hospital na identical sa iba pa nating ospital at mayroong kumpletong pasilidad,” sabi niya.
Kumpleto ang bagong ospital na magkakaroon ng doctor’s quarter, dietary building, MRF, mortuary, Isolation Building, powerhouse building, laboratory room, private rooms at maging bahay-tuluyan.