Number 2 most wanted sa isang bayan sa Capiz arestado ng awtoridad sa Agutaya

Kim de Otoy Mira, 39-taong-gulang,

Nadakip ng operatiba ng Agutaya Municipal Police Station (MPS) ang Rank No. 2 most wanted ng bayan ng Cuartero sa lalawigan ng Capiz, sa tinutuluyan nitong bahay sa Barangay Abagat, nitong araw ng Linggo, Hunyo 13.
 
Ang suspek ay kinilalang si Kim de Otoy Mira, 39-taong-gulang, na napaulat na tumakas mula sa nasabing bayan matapos na umano’y aksidenteng mapatay ang kapatid ng kanyang bayaw noong January 21, 2019.
 
Si Mira ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Kristine B. Tiangco-Vingulado ng Branch 16 ng Regional Trial Court sa Roxas City para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.
 
Ayon kay P/Lt. Leo Bacunga, hepe ng Agutaya MPS, unang nagtago si Mira sa bayan ng Cuyo sa loob ng isang taon bago ito lumipat sa Agutaya kung saan nagtrabaho ito bilang tigagawa ng ataul.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry