Nov 26, 2020

Naujan Blood Council nagsagawa ng bloodletting activity

NAUJAN, Oriental Mindoro — Bilang bahagi ng ika-11 anibersaryo ng Naujan Blood Council, nagsagawa ang grupo ng dalawang araw na ‘bloodletting activity’ na may temang ‘Safe Blood for All’ sa Bahay Tuklasan Plenary Hall, Brgy. Santiago, Naujan noong Setyembre 5-6.

Aktuwal na pagsasagawa ng ‘blood donation’ mula sa mga mamamayan ng bayan ng Naujan kaugnay ng pagsiriwang ng ika-11 Anibersayo ng Naujan Blood Council na may temang ‘Safe Blood For All’ na ginanap sa Bahay Tuklasan Plenary Hall, Brgy. Santiago, Naujan, Oriental Mindoro noong Setyembre 6, 2019. (Dennis Nebrejo/PIA Oriental Mindoro)

NAUJAN, Oriental Mindoro — Bilang bahagi ng ika-11 anibersaryo ng Naujan Blood Council, nagsagawa ang grupo ng dalawang araw na ‘bloodletting activity’ na may temang ‘Safe Blood for All’ sa Bahay Tuklasan Plenary Hall, Brgy. Santiago, Naujan noong Setyembre 5-6.

Layunin ng grupo na sila’y makalikom ng 500 bags sa unang araw at sa ikalawang araw ay 200 bags ng dugo upang magamit ng mga nangangailangan at madugtungan ang kanilang buhay.

Sa unang araw pa lamang ay 512 bags ng dugo na ang kanilang naipon mula sa mga grupo ng Philippine National Police (PNP), mamamayan ng walong distrito ng bayan, mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Naujan, mga guro ng Department of Education (DepEd), mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), fraternity at sorority, Non-Government Organizations (NGOs), Civil Society Organizations (CSOs), gayundin ang mga kooperatiba.

Ang Chairperson ng Naujan Blood Council ay si Vice Mayor Sheryl B. Morales sa pakikipagtulungan nina Mayor Mark N. Marcos at Sangguniang Bayan na may koordinasyon sa Oriental Mindoro Blood Council.

Nagpahayag ng pasasalamat ng ikalawang Punong Bayan sa mga namahagi at aniya, nawa ay patuloy at huwag silang magsawa sa pag bibigay ng dugo para sa kanilang mga kababayan.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng nalalapit na anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Naujan sa darating na ika-10 ng Setyembre 2019. (Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry