30 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Narra, isinusulong ang negosyo at pamumuhunan higit sa pagiging rice granary

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Narra, Palawan, ang pagpapalawak ng ekonomiya ng bayan sa pamamagitan ng negosyo, kalakalan, turismo at pamumuhunan, bukod sa pagiging kilala nito bilang “Rice Granary” ng lalawigan.

Ito ang binigyang-diin ni Acting Municipal Mayor Edmond Gastanes sa dalawang araw na Business and Investment Forum noong Oktubre 19–20, na may temang “Growing Together: Connecting Business and Investment Opportunities in Narra.”

Dinaluhan ang forum ng mga lokal na negosyante, may-ari ng negosyo, mamumuhunan at mga nagnanais magsimula ng negosyo upang magpalitan ng ideya at bumuo ng mga ugnayang maaaring magbukas ng oportunidad sa pamumuhunan.

“Hindi lamang tayo bayan ng palay. We are also a municipality with great potential for business, trade, tourism, entrepreneurship, and investment. We have hardworking and talented people, valuable natural resources, and a community that is ready to embrace progress and development,” pahayag ni Gastanes.

- Advertisement -

Kabilang sa mga hakbang na isinusulong ng lokal na pamahalaan at ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) ang pagpapatupad ng Commercialization Ordinance na ipinasa ng Sangguniang Bayan at pagbubukas ng Narra Local Products Ani at Likha Center.

Magsisilbing lugar ng pagpapakita at pagbebenta ng mga lokal na produkto ang Ani at Likha Center, na inaasahang makatutulong sa pagpapalawak ng merkado para sa mga produktong gawa ng mga taga-Narra.

Ayon kay Gastanes, layunin ng mga inisyatiba na lumikha ng trabaho at kabuhayan para sa mga residente at mapalawak ang pinagkakakitaan ng mga magsasaka.

“Ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng negosyong naitatayo o puhunan na pumapasok, kundi sa dami ng buhay na nababago, trabahong nalilikha, at pamilyang nagkakaroon ng mas magandang kinabukasan,” dagdag ng alkalde.

Ayon pa kay Gastanes, inaasahang magtutulungan ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, Sangguniang Bayan at pribadong sektor upang matulungan ang mga lokal na negosyanteng mapalawak ang kanilang operasyon at makapag-ambag sa ekonomiya ng Narra.
—

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Ruil Alabi
Ruil Alabi
is Palawan News’ correspondent in Southern Palawan, covering local news across the municipalities in the area. He also reports on agriculture and has a keen interest in food and technology.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img