Nagbabala si Board Member Aris Arzaga hinggil sa mga panganib sa mga national highway matapos iugnay sa nakakalat na graba at buhangin ang isang aksidente sa motorsiklo malapit sa Buligay Bridge sa Barangay Tubtub, sa bayan ng Brooke’s Point.
Sa privilege speech nito, sinabi ni Arzaga na posibleng nagmula sa mga mixer o sasakyang may kargang construction materials ang nakakalat na buhangin at graba sa gilid ng kalsada na umano’y naging dahilan upang mawalan ng kontrol ang rider ng motorsiklo.
Hindi nabanggit ng opisyal kung kailan nangyari ang aksidente, ngunit ayon sa kanya, importante na ligtas ang mga mamamayan na gumagamit ng kalsada.
“Nagkaroon ng aksidente sa may tulay ng Buligay sa Tubtub, gawa ng spillover ng buhangin at graba probably from mga mixer siguro,” ani Arzaga.
Ayon sa kanya, bagama’t mahalaga ang mga road widening project, napapansin din umano ang pagdami ng mga traffic hazard sa gilid ng highway.
Kabilang na dito ang mga nakakalat na lupa, graba, at iba pang sagabal na maaaring magdulot ng aksidente.
“Marami pong mga traffic hazard sa mga gilid-gilid at nagiging cause po ng aksidente,” dagdag niya.
Nanawagan din si Arzaga sa mga barangay officials at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad tugunan ang mga naturang panganib upang maiwasan ang karagdagang aksidente.
Hiniling din nito sa mga district office ng DPWH sa iba’t ibang bahagi ng Palawan na repasuhin ang mga lugar na madalas bahain at tiyaking maayos ang drainage system bago tuluyang pumasok ang tag-ulan.
“Sana po ang mga kailangang drainage system sa ating national highway ay maiparating po natin yan,” saad ni Arzaga.
READ IN ENGLISH
Scattered gravel on highway linked to accident in Brooke’s Point
Board Member Aris Arzaga warned Tuesday this week about hazards along national highways after a motorcycle accident near Buligay Bridge in Barangay Tubtub, Brooke’s Point, was linked to scattered gravel and sand on the road.
In his privilege speech, Board Member Arzaga said the sand and gravel scattered along the roadside may have come from mixer trucks or vehicles carrying construction materials, which allegedly caused the motorcycle rider to lose control.
The official did not mention when the accident happened, but stressed the importance of ensuring the safety of motorists and residents using the highways.
“Nagkaroon ng aksidente sa may tulay ng Buligay sa Tubtub, gawa ng spillover ng buhangin at graba probably from mga mixer siguro,” Arzaga said.
According to him, while road widening projects are important, traffic hazards along the highways have also become more noticeable.
These include scattered soil, gravel, and other roadside obstructions that may cause accidents.
“Marami pong mga traffic hazard sa mga gilid-gilid at nagiging cause po ng aksidente,” he added.
Board Member Arzaga also called on barangay officials and the Department of Public Works and Highways to immediately address these hazards to prevent further accidents.
He likewise urged DPWH district offices across Palawan to review flood-prone areas and ensure that drainage systems along national highways are fixed before the onset of the rainy season.
“Sana po ang mga kailangang drainage system sa ating national highway ay maiparating po natin yan,” Arzaga said.



