Larawan mula sa Comelec Sofronio Española

Naipadala na ng provincial Commission on Elections (COMELEC) VCM Contingency Hub ang isang bagong vote counting machine sa Sofronio Española kapalit ng isa na napagalamang may depekto noong nagsagawa ng final testing and sealing noong Mayo 4.

Ayon kay election assistant II Maria Lourdes Carolasan, nagkaroon agad sila nang pagpapalit matapos dumating ang isang bagong VCM kinabukasan din, Mayo 5, at maayos ang operasyon nito sa muling pagsasagawa ng FTS.

“Mayo 5 tayo nag replacement at isinailalim agad [sa FTS] ang kapalit nito noong Mayo 6. Successful naman at wala tayong nakitang problema, kaya all good condition ang lahat ng ating VCM sa ngayon,” sabi ni Carolasan.

Magugunitang isinailalim sa FTS ang kabuuang 33 VCMs ng bayan noong Mayo 4 na siyang gagamitin at ilalagay sa 10 voting centers para sa eleksyon sa Mayo 9. Isang VCM ang pumalya ang operasyon. Nag-overheat ito dulot ng hindi magandang daloy ng kuryente.

- Advertisement -

Ayon kay Carolasan, agad nila itong ipinagbigay alam sa kanilang COMELEC Election Monitoring and Action Center (CEMAC) para sa intruksyon na dapat gawin at agad namang “replacement” ang itinugon para bigyan ng aksyon ang problema.

Aniya, huwag mangamba ang mahigit 22,000 na bontante sa munisipyo dahil handang-handa na rin ang kanilang opisina maging ang kabuuang 99 electoral board members na siyang mangangasiwa sa halalan.

Paalala din ng opisina na magdala at magsuot ng face mask sa mismong araw ng halalan bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Previous articlePALECO assures enough power supply for May 9 polls
Next articleLunas Partylist, inendorso ng mga lokal na kandidato sa ibat’ ibang bahagi ng Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.