Oct 29, 2020

Nag-maoy na sekyu, inaresto sa Narra

Base sa ulat mula sa Provincial Police Office ang security guard ay nakilalang si Michael Falcorin Dela Cruz, 29 at residente ng Purok 2, Barangay Panacan 2 sa nasabing bayan.

Isang security guard sa bayan ng Narra ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa pagpapaputok ng baril at pag gamit nito na walang kaukulang dokumento, Sabado ng hapon.

Base sa ulat mula sa Provincial Police Office (PPO), ang security guard ay kinilalang si Michael Falcorin Dela Cruz, 29, residente ng Purok 2, Barangay Panacan 2 sa nasabing bayan.

Ayon naman kay P/Maj. Romerico Remo, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), nasa labas si Dela Cruz ng tinutuluyan nitong boarding house at nakainom ito ng alak nang biglang nagpaputok ito ng baril sa lupa.

“Wala naman [kaaway] nagpaputok lang siya sa labas ng boarding house nila. Wala namang nasaktan kaya lang may reklamo kaya nirespondehan ng tropa, kaya nahuli siya,” aniya ni Remo.

Dahil sa narinig na putok, agad namang nag-ulat ang concerned citizen sa istasyon ng mga pulis sa bayan na agad namang tinungo ng nga awtoridad.

Nakuha mula sa kaniyang kustodiya ang isang caliber 9mm na baril.

Sa ngayon kinakaharap ni Dela Cruz ang kasong illegal discharge of a firearm at Illegal possession of firearm.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry