PN File

Umabot na sa kabuuang bilang na 5,066 ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa bayan ng Rizal ayon sa consolidated data na inilabas ng Municipal Health Office (MHO) noong Huwebes, September 30.

Ayon kay Dr. Kathreen Stephanie Luz Micu, Municipal Health Officer ng Rizal, ang bilang na ito ay mula sa labing-isang barangay ng bayan na naturukan na ng second dose ng AstraZeneca, at Sinovac at ng single shot ng Janssen mula nang magsimula ang vaccination roll-out ng MHO noong buwan ng Hulyo.

Aniya, mayroon ding mahigit 6,000 ang naturukan na ng first dose ng AstraZeneca at Sinovac at nakatakdang mabigyan ng ikalawang dose ngayong buwan ng Oktubre.

“Ang Sinovac binibigay na sa amin ang supply ng 2nd dose. Ang Astra ay depende sa arrival pero nakabigay na po kami ng 2nd dose,” pahayag ni Micu, Biyernes, October 1.

Target ng MHO na mabakunahan ang nasa 70 percent ng total population sa munisipyo ng Rizal na nasa 56,162 upang maabot ang planong herd immunity nito laban sa COVID-19.

Paalala rin ni Micu sa mga residente na fully vaccinated na ay sumunod pa rin sa mga health and safety protocols na ipinapatupad upang maiwasan pa rin ang pagkalat ng virus.

“Kahit fully vaccinated na, sumunod pa rin. Wear facemask kapag nasa labas, no mass gatherings at palaging maghugas ng kamay upang maiwasan ang COVID-19,” dagdag niya.

Previous articleUP Marine Science Institute to set up research station on Pag Asa island
Next articleDanao eyes Narra mayoralty as PPP declines to nominate any candidate
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.