Isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng El Nido, katuwang ang Child Development Workers (CDWs), ang moving-up ceremony para sa mag-aaral ng pre-K-12 sa ilalim ng 43 Child Development Center (CDC) sa 18 barangay ng bayan.
Ayon kay Yvonnie Fe Lucero Leuterio, officer in charge ng MSWDO-El Nido, ang moving up ceremony ay isang mahalagang hakbang para sa mga kabataan at kabila ng pandemyang kinakaharap ng lahat ay maari pa rin itong maisagawa.
“Inspirasyon kong ipakita sa lahat na sa kabila ng kahirapang dulot ng pandemya ay kaya naming maserbisyuhan ang mga bata sa mas tipid na paraan,” pahayag ni Leuterio.
“Walang batang maiiwan. Lahat ng bata ay pagpapala, lahat ng bata ay may karapatang makapag-aral sa kabila ng kahirapan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Lumaban at ipagpatuloy ang pangarap,walang impossible sa isang batang may nais marating sa buhay sa pamamagitan ng suporta ng kanila magulang,” dagdag niya.
Nagpasalamat din si Leuterio sa suportang ipinagkaloob ng pamahalaang lokal ng El Nido.
“Maraming salamat sa patuloy na suporta nina Mayor Edna Gacot-Lim, Vice-Mayor Luningning L. Batoy at mga Sanguniang Bayan members, sa pakikipagtulungan ng ating mga barangay officials,” aniya.
