No Images found.

Most wanted sa kasong murder, arestado ng pulisya sa Puerto Princesa

Richard Cabajaga Alfar, alyas Ricky, 44 taong gulang, na most wanted at isa sa sa apat na suspek sa pagpatay kay dating Barangay Culandanum kapitan Joel Pondales noong taong 2016.

Dinakip ng mga operatiba ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang isang most wanted sa Barangay Sta. Monica sa Lungsod ng Puerto Princesa, 9:45 ng umaga kahapon, Marso 16.

Ang suspek ay kinilalang si Richard Cabajaga Alfar, alyas Ricky, 44 taong gulang, magsasaka at residente ng Sityo Panay, Barangay Culandanum, Bataraza, Palawan.

Inaresto si Alfar sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Leah E. Delos Reyes-Baguyo ng Regional Trial Court Branch 48 para sa kasong murder.

Si Alfar ay isa sa apat na suspek sa pagpatay kay dating Culandanum kapitan Joel Pondales noong April 6, 2016.

Samantala walang piyansa na inilaan para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na ngayon ay nasa kostudiya na ng PNP para sa tamang disposisyon.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry