Oct 23, 2020

Most wanted ng Quezon, arestado

Ang suspek na itinuring na most wanted ng Quezon ay kinilalang si Albert Cardejon, 41. Nahuli siya noong August 22 sa Sitio Lasong, Barangay Tagusao.

Image courtesy of Larry Abayon

 

QUEZON,Palawan – Inaresto ng mga awtoridad sa bayang ito ang isang lalaki na may kasong dalawang counts ng rape at forcible abduction with rape.

Ang suspek na itinuring na most wanted ng Quezon ay kinilalang si Albert Cardejon, 41. Nahuli siya noong August 22 sa Sitio Lasong, Barangay Tagusao.

“Matagal na itong kaso niya na panggagahasa, nag stay siya temporary sa Tagusao at doon siya naaresto na ng grupo rank 1 municipal level si Cardejon,” ayon kay PCpl Mark Cristobal,PCR/PIO PNCO.

Ang arrest warrant ni Cardejon ay nanggaling sa sala ni Judge Jocelyn Dilig ng RTC Branch 47.

No bail recommended ang kaso ni Cardejon.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry