Ang SBU maritime Balabac at PCG habang nahsasagawa ng port monitoring sa Balabac port.

Pansamantalang ipinaubaya ngayong buwan ng Setyembre ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Balabac sa Philippine Coast Guard Sub-station (PCGSS-Balabac) ang pagbabantay sa mga dumarating na passenger vessels sa pantalan.

Paliwanag ni Mitra Tanjilani, hepe ng Balabac-MDRRMO, nabawasan ang puwersa nila dahil ang iba niyang tauhan ay naka-destino ngayon sa mga isla samantalang may ilan din na kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine.

“Medyo limited ang force natin, may iba tayong tao nag home quarantine. Pero umaalalay pa rin kami sa port monitoring sa mga kababayan nating dumadating sa munisipyo ng Balabac. For now PCG ang naka full force diyan para i-monitor ang pantalan sa mga dumadating,” pahayag ni Tanjilani, Miyerkules, September 29.

Dagdag niya, wala pa ring pagbabago sa mga regulasyon na ipinapatupad sa pantalan para sa lahat ng mga nagtutungo sa Balabac para sa mga residente ng lalawigan, maliban kung ito ay isang OFW, ROF o APOR na mula sa labas ng lalawigan dahil kinakailangan pa rin umano ang negative RT PCR test , Barangay acceptance at S-Pass application sa mga ito.

- Advertisement -

“Sa mga taga-dito naman, maluwag tayo. COVID health form lang naman sa port, pero kapag galing labas, complete requirements ito. Kinukuha na lang natin ngayon ang mga manifest sa PCG tuwing may darating na passenger vessel galing sa Bataraza o Brooke’s Point. Pero kapag galing sa labas, direct na naming alam yan na mayroong parating, coordinated na sa amin,” dagdag ni Tanjilani.

Dagdag ni Tanjilani, patuloy din ang island monitoring ng MDRRMO sa isla ng Barangay Mangsee, katuwang ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard para patuloy na hindi ito magamit bilang backdoor na posibleng maging tawiran ng mga magmumula sa bansang Malaysia.

“As usual tuloy-tuloy ang team natin sa Mangsee, may regulasyon din diyan na tanging mga lokal na mangangalakal lang ang makakapunta sa Kudat, Malaysia. Hindi pwedeng tumagal o magpalipas ng gabi doon para mamili ng mga produkto papunta dito sa Mangsee o sa mainland Balabac,” paliwanag ni Tanjilani.

Previous articleIsang lalaki nakumpiskahan ng mga baril at bala sa Brgy. San Pedro
Next articleDating kapitan ng Montible sinampahan ng kasong carnapping
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.