Tumaob ang police mobile sakay ang dalawang tauhan ng Police Station 2, matapos itong maaksidente sa kahabaan ng Kilometer 9 sa Brgy. Sicsican, bandang 10:30 kagabi, September 12.

Ayon kay kapitan Bobby Parangue ng Sicsican, minamaneho ni P/Staff Sgt. Michael Juan ang police mobile habang sakay nito si P/Staff Sgt. Shawie Arendain.

Galing umano sa isang responde ang mga ito at pabalik na sana sa kanilang istasyon sa Brgy. Irawan nang mangyari ang aksidente.

Pagdating nito sa Kilometer 9 ay nag overtake ang police mobile sa naunang sasakyan ng dumulas ang gulong nito at nawalan ng kontrol ang driver dahilan nang pagtaob ng sasakyan.

“Ang nangyari doon nabangga nila ang dating waiting shed (opposite ng kanto ng alfaro), dumiretso pa ng sampung metro bago tumaob,” ayon kay Parangue.

Agad naman umanong rumesponde ang mga tanod ng kanilang barangay sa nasabing aksidente.

Ayon naman kay P/Cpt. Ma. Victoria Iquin, kasalukuyan ng iniimbestigahan kung may pananagutan ba ang driver at ang sakay nito sa nangyaring aksidente.

“Mag coconduct po ng initial evaluation ang investigator and supply namin at yong 2 personnel will explain sa nangyari..if their explanation will not suffice, pre-charge investigation will pursue to determine kong meron silang pananagutan sa nangyari,” pahayag nito.


Berrrr… lumalamig na ba talaga ang panahon o nagpaparamdam lang ang 13 sangkap sarap ng Chowking SuperSangkap Halo-Halo? 🥶

Here’s Chowking Palawan Drive Thru on happyapp! Order your SuperSangkap Halo-Halo now!

https://happyappph.page.link/eMmv

Previous article113 CPP-NPA members yield in MIMAROPA since January
Next articlePBBM approves voluntary use of face masks outdoors
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.