Teachers and faculties during the awarding of some students of SPCA. (Photo courtesy of Dr. Jethro C. Malacao)

 

BROOKE’S POINT, Palawan – Hindi nahadlangan ng modified general community quarantine (MGCQ) ang moving up ceremony para sa mga mag-aaral ng South Palawan Christian Academy (SPCA) dito.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng Mobile Awarding Ceremony kung saan mismong mga guro ang nagbahay-bahay at may dalang stage-on-wheels para sa moving up ceremony na nagsimula noong June 4, 2020.

Sa impormasyong nakalap ng Palawan News kay Dr. Jethro C. Malacao, SPCA School Administrator ng paaralan, sinabi niya na sinikap umano nilang ihatid sa bawat tahanan ng kanilang mga mag-aaral ang awarding ceremony upang maipadama ang kahalagahan ng isang taon nilang pagsisikap para maibigay ang parangal na nararapat.

“Naisip namin na gawin ito na hindi naman nabi-break ang protocol ng DepEd at napa-practice pa rin ang social distancing nang sa ganoon ay maibigay namin ng personal sa mga bata at magulang ang honor, dahil deserve ng mga bata na bigyan silang parangal through out the year ng kanilang pagsikap sa pag-aral,” ayon kay Malacao.

 

Teachers and faculties during the awarding of some students of SPCA. (Photo courtesy of Dr. Jethro C. Malacao)

“Gumawa kami ng aming stage-on-wheels para mapuntahan ang mga bahay ng aming mga students (pre-elementary Grades 1-3), All in all, target naming mapuntahan ang lahat ng almost nasa 160 students namin,” dagdag niya.

Malaki naman umano ang naging impact nito sa mga bata at magulang, dahil hindi umano inaasahan ng mga magulang na makakamartsa at makakasuot pa ng toga ang kanilang anak sa gitna ng pandemic COVID19.

“Since di po pwede lumabas ang mga bata, kami na lang ang pumunta para personal na i award ang mga medals nila. Nakapag martsa pa rin sila nang nakatoga kasama ng kanilang magulang,” ayon pa kay Dr. Malacao.

Samantala, bagama’t naidaos sa pamamagitan ng Mobile Awarding Ceremony ang moving up ng mga mag-aaral ay sinigurado naman ng kanilang pamunuan na napanatili ang pagsunod sa panuntunan tulad ng pagsusuot ng face mask, paglalagay ng alcohol, at social distancing.

 

About Post Author

Previous articleBataraza to reopen ‘Tabuan’ market
Next articleWounded Nicobar pigeon rescued in Bataraza
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.