Isang magsasaka ang namatay matapos tagain ng isang miyembro ng Bantay Palawan na kinompronta nito habang nagbabantay sa isang outpost sa Sagipit Road, Sitio Buligay, Barangay Poblacion District I bayan ng Brooke’s Point, Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Nerio Lichaoco Raña Jr. 39, at ang suspek naman ay kinilalang si Jerome Cahayag Bacalla, 28, pawang mga residente ng bayan.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, nagbabantay sa kanilang outpost ang suspek kasama si Romeo Caya nang pumunta ang lasing na biktima sa kanila at kinompronta sila.

Ang komprontasyon ay nauwi sa isang pagtatalo. Dahil sa pagtatalo kinuha ng biktima ang bolo na nakalagay sa loob ng kubo ng outpost.

Sinikap ni Caya na makuha at maagaw ang bolo sa biktima na naging dahilan upang mahulog ang bolo sa lupa.

- Advertisement -

Nakuha naman ng suspek na si Bacalla ang bolo at doon na tinaga ng ilang beses ang biktima.

Nagtamo ng ilang taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Naisugod ng mga kawani ng Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa Southern Palawan Provincial Hospital ang biktima subalit tuluyan na itong nasawi.

May kahaharaping kaso ng homicide ang suspek.

 

Previous articleGlobal BPO mobilizes donations to help those affected by COVID-19
Next articleExperts cite China’s continued attempts to assert dominance in WPS
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.