Makikita sa file photo ng DSWD Mimaropa ang pagsama ng mga community volunteer ng Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon sa pagpapasinaya ng isang flood control project sa kanilang lugar. (Larawan mula sa DSWD Mimaropa)

LUNGSOD QUEZON — Lumahok ang MIMAROPA noong ika-13 ng Agosto, taong kasalukuyan, sa National Community Volunteer’s Congress para ibahagi ang karanasan nito sa pagpapatupad ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS).

Mayroong 200 community volunteers ang lumahok sa Congress at 10 sa mga kalahok ay mula sa MIMAROPA.

Ang mga kalahaok na taga-Mimaropa ay mga Barangay Sub-Project Management Committee (BSPMC) chairpersons mula sa mga bayan ng Quezon, Balabac, Taytay, at Narra (Palawan), Calatrava at Magdiwang (Romblon), Magsaysay at Sablayan (Occidental Mindoro), at Gloria (Oriental Mindoro).

Sa  pamamagitan ng Community-Driven Development strategy ng Kalahi-CIDSS,  kasama ang mga miyembro ng komunidad sa pagpaplano, pagtukoy, pagpapalakad, pagbabantay at pangangasiwa  ng mga proyekto para sa mga maralitang kumunidad.

Sa ngayon, ang  Kalahi-CIDSS Mimaropa ay mayroong  32,017 community volunteers na nangunguna sa pagpapatupad ng mga proyekto sa kani-kanilang barangay.  (LP/DSWD-Mimaropa)

Previous article4Ps payout sisikaping maibigay ngayong Setyembre – DSWD
Next articleOdiongan mayor lauds TUPAD workers’ support in the fight vs dengue