Naghihintay ang bayan ng Brooke’s Point kung papayagan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ang panukalang palawigin ang pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) na pinagkasunduan ng Municipal IATF mula October 8 hanggang October 21, 2021.

Ipagpapatuloy din ang modified liquor ban sa naturang bayan para mas masiguro na maiiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng virus.

Sa post ng Municipal Information Office (MIO) kahapon, October 6, nagpulong ang Brooke’s Point MIATF para bigyang tugon ang rekomendasyon ni municipal health officer Dr. Lovelyn Sotoza na bagama’t bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan ay dapat pa rin na palawigin ang GCQ upang mas bumaba pa.

“Ayon sa mga naging assessment at sa mga reports na iprinesenta ng iba’t ibang clusters ng ating Local COVID Task Force, bagama’t bumababa na ang bilang ng mga kaso ng nagpopositibo sa COVID dito sa ating bayan, mas mainam na ipagpatuloy ang implementasyon ng GCQ upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo pa’t pataas ang mga kaso ng Covid sa siyudad,” pahayag sa post ng Brooke’s Point MIO.

Sa pahayag pa ng Brooke’s Point MIO, ang Tabuan ay patuloy na susunod sa sistemang pinaiiral: Monday 6 a.m. hanggang 3 p.m. at mga vendor lang mula sa Brooke’s Point ang papayagan na magtinda.

Sa physical distribution ng modules, sabi ng MIO ay pinapayagan na ito ngunit ang pamamahagi ay isahan lamang at lahat ng modules para sa buong quarter ay idi-distribute ng buo.

Ito umano ay ayon sa naging rekomendasyon ni Mary Jane Virrey, supervisor ng North District. Ganoon rin ay kinakailangang mahigpit na ipatupad ng mga paaralan ang lahat ng mga health protocols pagdating sa distribution at retrieval ng mga modules.

About Post Author

Previous articleDOST-PCAARRD welcomes new DENR order on bamboo resources
Next articleDBP approves P40-billion infra loans
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.