Iniutos ni Bataraza mayor Abraham Ibba sa Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) on COVID-19 na muling paigtingin ang pagpapatrolya at pagpapatupad ng border checkpoint sa kanilang bayan, partikular na sa mga barangay Inugbong at Buliluyan simula ngayong araw ng Martes, Enero 26.
Ang kautusan ay inilabas ni Ibba matapos mapaulat na isang residente ng bayan ng Brooke’s Point ang dumaan sa backdoor mula sa bansang Malaysia at nag-positibo sa COVID-19 nitong nagdaang linggo.
Bilang bahagi ng pinaigting na seguridad, muling ibabalik ng MIATF ang pag-fill up ng mga kaukulang dokumento para sa mga sakay ng lantsa at bangka na dadaong at aalis sa mga pier ng Buliluyan at Inugbong.
“Simula ngayong January 26, maghihigpit tayong muli dahil na rin sa nangyari sa Brooke’s Point,” pahayag ni Ibba. “Hinihiling natin sa lahat na maki-cooperate, mag fill-up, magpa-check ng body temperature, magsuot ng facemask sa byahe para hindi maabala sa checkpoint,” dagdag niya.
Makakatuwang MIATF sa Buliluyan ang Philippine Coast Guard sa pier at mismong barangay ng Buliluyan para banfayan ang mgaĀ pagpasok na manggagaling sa bayan ng Balabac.