Humihingi ngayon ng kooperasyon ang Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Rizal sa mga mamamayang nagnanais magpakonsulta na gawin muna ang self-interview o mag-fill up muna ng health declaration forms bago tumungo sa tanggapan ng Rural Health Unit (RHU).

Sa panayam ng Palawan News kay Dr. Kathreen Stephane Luz Micu, municipal health officer, nitong Lunes, May 3, sinabi niyang ang mga magpapakonsulta ay kailangan munang malaman kung sila ba ay may travel history sa Lungsond ng Puerto Princesa o kaya ay may mga kahina-hinalang sintomas ng COVID-19.

“History of travel, at kung nagkaroon ng close contact, signs snd symptoms, yung laman din ng health declaration form nila, kailangang sabihin nila,”pahayag ni Micu.

Dagdag ni Micu, ang hakbang na ito ay ginagawa ng RHU upang matiyak na ligtas ang lahat sa banta ng COVID-19 at upang makagawa ang RHU ng mga paraan para sa mga indibidwal na nagpapakunsulta sa center na may travel history sa Puerto Princesa o kaya ay kung may mga karamdaman ang mga ito katulad ng matinding lagnat, ubo at sipon.

“They need to cooperate kung nagpapakusulta sila. Mahalagang malaman kung sila ba ay nanggaling sa Puerto, o nakaramdam ba ng lagnat, sipon, ubo o ano pang maaaring sintomas ng virus ,” aniya.

- Advertisement -

Samantala, ipinaalaala rin ni Micu na ang hakbang ay hindi lamang para sa mga utungo sa RHU kundi  lahat ng mamamayan upang kung sakaling makapagtala ng COVID-19 sa bayan ay madaling makapagsagawa ng contact tracing nang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat o pagkahawa ng virus lalo na kung ang pasyente ay asymptomatic.

Inihayag din niya na bagama’t ang bayan ng Rizal ay walang kaso ng COVID-19 ay hindi ito nangangahulugang magiging kampante na ang mga mamamayan at sa halip ay patuloy pa ring sumunod sa health and safety protocols, katulad ng pagsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay at pag-iwas sa mga mass gathering.

Previous article32 Brgy. Lucbuan residents to undergo COVID-19 tests
Next articleJOSHUA GARCIA: Life on a catheter
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.